Pagkonkreto sa 3 Barangay Roads sa Sto. Tomas, Isabela, Isinagawa

Cauayan City, Isabela- Inumpisahan na ang pag-implementa sa pagkonkreto sa mga kalsada ng tatlong barangay sa bayan ng Sto. Tomas, Isabela.

Ito ay sa pamamagitan ng programa ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) na Kapit-bisig Laban sa Kahirapan, Comprehensive Integrated Delivery of Social Services, National Community-Driven Development Program Additional Financing (KALAHI-CIDSS NCDDP AF).

Ang tatlong barangay na naging benepisyaryo ng naturang programa ay kinabibilangan ng Bolinao-Culalabo, Balelleng at Colunguan na tinukoy mismo ng mga Volunteers sa komunidad.

Isinagawa ito sa tulong ng Barangay Local Government Unit, Area Coordinating Teams at ng Municipal Coordinating Teams.

Ayon kay Jenalyn Tabug, isang community volunteer, ginising aniya ng KALAHI-CIDSS ang natutulog nilang diwa at sila’y nabigyan ng pag-asa sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa kanila para magsilbing instrumento sa naturang proyekto at ng makakatulong sa kanilang barangay.

Ang bayan ng Sto. Tomas ay may kabuuang Php17, 262,936.42 na halaga ng pondo para sa pagpapatupad ng sub-project sa 27 na nasasakupang barangay.

Facebook Comments