Pagkonsulta sa business sector kaugnay sa mga panukalang may kinalaman sa commerce and industry, tiniyak ng Kamara

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang pakikinig sa panig ng business sector sa kanilang pagtalakay sa mga panukalang batas lalo na ang patungkol sa commerce and industry.

Sa kaniyang pagdalo sa 2022 Asia CEO Forum, binigyang diin ni Romualdez na mahalagang makonsulta ang pribadong sektor lalo na sa mga panukalang tutulong sa Marcos administration na makamit ang hangad na pag-unlad ng bansa.

Kaya naman umaasa si Romualdez na magkakaroon ng seryosong diskusyon ang gobyerno at pribadong sektor kung paano maisasakatuparan ang Medium-Term Fiscal Framework at 8-Point Socio-Economic Agenda ng administration.


Ayon kay Romualdez, seryoso ang target ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makamit ang Agenda for Prosperity ng kaniyang administrasyon tungo sa economic inclusivity and sustainability transformation ng bansa.

Pagmamalaki pa ni Romualdez, ngayon pa lang ay may maganda ng ibinubunga ang socio-economic development masterplan ni PBBM at kanyang mga economic managers tulad ng 7.6 percent na paglago ng ekonomiya sa ikatlong quarter ng taon.

Facebook Comments