Pagkontra ni Mayor Isko Moreno sa pagsasa-legal ng abortion, pinuri ng mga netizen

Pinuri ng mga netizen ang maigting na pagkontra ni Mayor Isko Moreno sa pagsasa-legal ng abortion sa bansa.

Partikular ang mga babaeng nabuntis dahil sa ginawang pang-aabuso.

Sa iba’t ibang pahayag ng mga netizen, tama ang inilabas na pahayag ni Mayor Isko na tanging ang Diyos lamang ang may karapatan na bawiin ang isang buhay ng tao.


Matatandaan na iginiit ng alkalde na ang buhay ay buhay at ito ay napakahalagang bigay ng Maykapal kung saan aniya, maging ang mga kriminal ay may karapatan din na manatiling buhay.

Sinabi pa ni Moreno na may batas na pinaiiral para sa mga kriminal at nararapat lamang ito na mabigyan ng nararapat na proseso at hindi dapat kitilin ang buhay.

Bukod dito, inihayag pa ng alkalde na sakaling manalo, paiiralin niya nang tama ang karapatang pantao at pahahalagahan ang anumang buhay.

Facebook Comments