Pagkontrol sa paggamit ng tobacco sa bansa, palalakasin pa ng pamahalaan

Palalakasin pa ng pamahalaan ang mga hakbang nito laban sa paggamit ng tobacco sa bansa, kabilang na ang paninigarilyo.

Sa 10th Conference of the Parties to the World Health Organization (WHO) Framework Convention on Tobacco Control sa Panama, pinagtibay ng Pilipinas ang pakikipagtulungan sa World Health Organization sa tobacco regulation.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, malaki ang ibinaba ng bansa sa Philippine Global Adult Tobacco Survey, na nasa 19.5% noong 2021, mula sa 23.8% noong 2015.


Bunga umano ito ng whole-of-society at whole-of-gov’t approach sa pagsusulong ng mga polisiya at legislative measures sa tobacco, tulad ng ipinasang Republic Act no. 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

Sinabi naman ng Palasyo ng Malacañang na umabot sa $3 billion ang na-kolektang excise tax ng gobyerno sa tobacco at vape products noong 2022, na nagpataas sa presyo nito at nagpababa sa consumption ng publiko.

Facebook Comments