First Lady Liza Araneta-Marcos, nangako ng tulong sa Filipino film industry

Nangako ang Office ni First Lady Liza Araneta-Marcos ng buong suporta at tulong nito para palakasin pa ang industriya ng pelikulang Pilipino sa bansa.

Sa Facebook ni First Lady Liza Araneta-Marcos, makikitang nakipagpulong ang Unang Ginang sa mga kilalang personalidad sa movie industry.

Dito ay inaalam ng First Lady ang mga kailangan para palakasan ulit ang industriya matapos dumanas ng pagkalugi noong pandemya.


Kasama sa naturang pulong ang Chairman ng Film Development Council of the Philippines Chairman na si Tirso Cruz III.

Present din sa meeting ang aktor na si Dingdong Dantes na kabilang sa Board of Trustees ng Mowelfund o ang Movie Workers Welfare Foundation na isang organisasyong tumutulong sa movie workers.

Ilan din sa mga dumalo sa pulong ay si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Facebook Comments