Pagkontrol sa presyo ng kuryente, tinututukan ng pamahalaan sa gitna ng mataas na demand nito

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na may ginagawang hakbang ang pamahalaan para makontrol ang presyo ng kuryente sa gitna ng mataas na demand nito.

Ayon kay Pangulong Marcos, nakatutok ang pamahalaan para matukoy ang mga angkop na estratehiya at dapat gawin sa mga hindi inaasahang sitwasyon.

Kabilang sa tinututukan ng gobyerno ay ang supply ng kuryente bukod pa ang presyo nito na posibleng tumaas dahil sa biglang pagtaas ng konsumo.


Matatandaang nitong nakalipas na linggo ay isinailalim sa yellow alert at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang ilang mga planta sa bansa dahil sa pagnipis ng reserbang enerhiya.

Dahil dito, sinabi ng pangulo, na tinutulak ng pamahalaan ang NGCP na magtayo pa ng mga dagdag na transmission lines para sa seguridad ng enerhiya sa buong bansa.

Facebook Comments