Cauayan City, Isabela- Ipinaliwanag ni Ginang Rosario Santos, Senior Staff Officer ng GSIS Cauayan ang ilan sa mga patakaran upang makuha ang mga benipisyo ng mga miyembro ng Government Service Insurance System o GSIS.
Sa naging ugnayan ng RMN Cauayan News sa programang Sentro Serbisyo Publiko kay ginang Santos, lahat ng mga benepisyong makukuha ng miyembro gaya ng Separation, Un-employment , Survivorship, Funeral at Employees Compensation claims ay dapat maisumite ang mga kinakailangang dokumento upang makuha ang mga ito.
Aniya, sa loob ng apat na taon ay dapat kumpleto at naisumite na ang mga dokumento dahil kung lumagpas na ito sa apat na taon ay mawawala na ito o hindi na pwedeng makuha ang benipisyo.
Subalit aniya, dipende ito sa sitwasyon na maaari pa ring magpauna ng dokumento ang mga kukuha ng benepisyo upang maiproseso na ito.