Marawi City, Philippines – Limitado sa ngayon ang nakukuhang impormasyon ng binuong board of inquiry ng AFP para sa patuloy na imbestigasyon sa nangyaring friendly fire sa Marawi City.
Ayon kay AFP Public Information Office Chief Col. Edgard Arevalo, nanatili pa kasi sa operasyon sa Marawi City ang mga indibidwal na dapat na makapanayam ng board of inquiry kung kayat nagiging limitado ang galaw ng mga investigators.
Pero determinado naman ang pamunuan ng AFP na matukoy kung bakit naging palpak ang ikinasang airstrike ng tropa ng sundalo sa Marawi City kamakailan na ikinasawi ng 10 sundalo.
Matapos aniya ang insidente ay agad na sinimulan ang imbestigasyon.
Pinangungunahan ni AFP Maj. Gen. Rafael Valencia ang AFP Inspector General ang binuong board of inquiry.
DZXL558