Security agency na nakatalaga sa Resorts World, walang emergency response team ayon sa PNP SOSIA

Manila, Philippines – Walang emergency response team ang NC Lanting Security Specialist Incorporated na nagbabantay sa Resorts World Manila.

Ito ang lumabas sa initial investigation ng PNP Supervisory Office for Security Investigation Agencies o SOSIA matapos ang nangyaring gulo sa Resorts World na ikinamatay ng 38 katao kabilang ang suspek.

Ayon kay PNP SOSIA Director, Police Chief Supt Jose Mario Espino, nakatutok lamang sa kanilang mga post ang mga security guards na on duty noong mangyari ang gulo.


Maliban dito tig-isang securiy guard lamang ang itinalaga sa bawat post na dapat ay 2 security guards.

Nakasuot din ng polo barong ang mga security guard na nasa entrance ng Resorts World na isang paglabag ayon kay Espino sa bawat entrance ng establishment kailangang naka-uniform upang magdalawang isip pumasok ang mga nagtatangkang manggulo.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP SOSIA upang matukoy ang iba pang lapses ng NC Lanting Security Specialist Agency.

Rekomendasyon naman ni directorate for police Dir. Camilo Cascolan na dapat ay may quarterly crisis management training na gagawin ang lahat ng security agency para sa kanilang mga security guards upang hindi malusutan ng mga masasamang loob.
DZXL558

Facebook Comments