Pagkuha ng mga bagong suplay ng lokal na Pamahalaan ng Pasig, ipinatitigil muna

Pinasisilip na ni Mayor Vico Sotto, ang imbentaryo ng mga suplay ng lokal na Pamahalaan ng Pasig.

Kasunod ito ng inilabas na annual report ng Commission On Audit o COA na umaabot sa higit 1.4 bilyon pesos ang nagastos noong 2018 sa pagbili ng mga suplay kung saan higit 25 milyon na halaga lang ang nagamit.

Ayon kay Sotto, Ipinatitigil din niya ang pagkuha ng mga bagong suplay at kung sakaling may kailanganin ay dadaan muna daw ito sa kaniyang opisina.


Ipinagtataka din niya kung saan napunta ang mga nabiling materyales at iba pang kagamitan kaya’t umaasa siya naagiging maayos ang imbentaryo.

Noong una, hindi muna sumasagot si Sotto sa mga tanong hinggil sa report ng COA dahil ayaw niyang maging isyu ito ng pamumulitika pero nangako daw siya sa mga taga-Pasig na magiging transparent kaya’t isinapubliko na niya ito.

Facebook Comments