Pagkuha ng mga barko mula sa mga kaalyadong bansa para gamitin sa pagpapatrolya sa WPS, iminungkahi ng isang kongresista

Iminungkahi ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores sa gobyerno na kumuha ng mga barko sa mga kaalyadong bansa tulad ng Japan, South Korea, Australia, India, at Europe.

Sabi ni Flores, dagdag ito sa anumang military aid na ibibigay ng United States.

Binigyang diin ni Flores na kailangan natin ng mga kasunduan sa iba pang mga bansa na katulad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA para sa military assistance, as grants at technical assistance.


Para kay Flores, ang ginagawa ng China sa West Philippine Sea (WPS) at sa ating exclusive economic zone o EEZ ay hindi lang aggressive at dangerous maneuvers kundi blockades o pagbarikada.

Sa puntong ito ay igiiit ni Flores ang pangangailangan na magsagawa ng patuloy na multinational naval action para matiyak ang kalayaan sa paglalayag sa WPS.

Inihalimbawa ni Flores, ang multinational patrols na ginagawa sa Red Sea at Strait of Hormuz sa Middle East.

Facebook Comments