Pinag-uusapan nang muli ng Pilipinas at Germany ang muling pagkuha ng Overseas Filipino Workers (OFW) na magtrabaho sa kanilang bansa.
Ayon kay German Embassy Economic Counsellor David Klebs, sa pagpupulong sa pagitan ng dalawang base sa nais nilang makakuha ng mga OFW sa Pilipinas mula sa sektor ng healthcare dahil isa ang mga Filipino health workers sa mga masisipag magtrabaho at magaling mag-alaga.
Samantala, pinangako rin ng Germany na magkakaroon ng magandang trabaho at benepisyo ang mga makukuha nilang OFW para magtrabaho sa kanilang bansa.
Sa ngayon, isinasapinal na lang ang Memorandum of Agreement para sa naturang pangangailangan ng mga OFW sa Germany.
Facebook Comments