Nilinaw ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi sapilitan ang pagkuha ng national ID pero hinihimok nito ang publiko na magkaroon na nito.
Ayon kay PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista, lahat ng Pilipino maging sa ibang bansa ay maaaring kumuha nito ng hindi sapilitan.
Pero darating aniya ang panahon na lahat ng transaksyon sa gobyerno ay ang national ID na ang gagamitin.
Prayoridad sa pamimigay nito ang mga pamilyang may maliliit na kita upang magkaroon ng access sa bangko na kinakailangan ng government IDs at dokumento para makakuha nito.
Ang national ID ay naglalayong pag-isahin ang lahat ng government ID na ibinibigay ng mga ahensya ng pamahalaan kung saan pangungunahan naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamimigay nito.
Paliwanag ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, sisimulan na nila ang pre-registration sa pagbibigay ng national ID upang maiwasan ang mass gathering at face-to-face transaction ngayong may COVID-19.
Target ng pamahalaan na mai-enroll ang nasa 105 milyong Pilipino sa national ID pagsapit ng taong 2022.