Pagkuha ng promissory note ng mga customer na hindi pa nakakabayad ng bill, papayagan ng Maynilad at Manila Water

Papayagan nang kumuha ng promissory note ang mga costumer ng Maynilad at Manila Water na hindi kayang habulin ang deadline sa pagbabayad ng water bill.

Ayon kay Manila Water Communications Manager Dittie Galang, bibigyang-panahon nila ang mga customer na magbayad ng bill mula nang ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pero depende aniya ito sa puwedeng mapag-usapan kung gaano katagal ang kanilang pagbabayad.


Kung ku-kwestiyunin naman ng customer ang lumalaking bill nito, sinabi ni Maynilad Business Area Spokesperson Engr. Zmel Grabillo na pwedeng hindi muna bayaran ng mga customer ang kanilang bill.

Pero, kailangang tandaan ng customer na magpapatong-patong ang kanilang babayaran lalo na kung darating ulit ang kasunod na buwan.

Facebook Comments