Kiray Celis, proud na ibinahagi kung paano niya nahanap ang kaniyang “The One”

Proud na ibinahagi ni Kiray Celis kung paano niya nakilala ang kaniyang boyfriend na si Stephan Estopia na itinuturing niyang “right guy” para sa kaniya.

Kwento ni Kiray, parehas pa silang wasak ni Stephan nung sila ay magkakilala, kung siya ay pinagpalit, niloko naman ito nang paulit-ulit.

Naging pare-pareho pa nga aniya ang tingin niya sa mga lalaki nang ipagpalit siya ng kaniyang ex.


Hugot pa ni Kiray, kapag hindi marunong makuntento ang isang tao at kahit anong gawin mo, hindi ka sasapat sa kanila dahil lagi ka nilang hahanapan ng mali.

Sa huli, nagbigay ng payo si Kiray sa mga heartbroken na hindi porket napunta ka sa maling tao, hindi ibig sabihin nun maling tao na ulit ang mapupuntahan mo.

Kaya ‘wag kang matakot magmahal ulit. Malay mo, siya na talaga.

Facebook Comments