Pagkuha ng Travel Authority, Pinapayagang kunin sa mga Local Police Stations

Cauayan City, Isabela-Pinapayagan na ngayon ng Police Regional Office No. 2 ang mga Chief of Police (COPs) at Station Commander na makapagbigay ng ‘travel authority’ para sa mga locally stranded individuals sa buong bansa.

Ito ay upang mas mapabilis ang pag-uwi ng mga LSIs sa kani-kanilang mga lugar na uuwi sa bawat probinsya.

Ayon kay PLT/Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO-2, nakapaloob pa rin naman sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapakita ng mga locally individual’s ng health clearance certification mula sa mga municipality o cities kung saan sila nanggaling.


Aniya, hindi naman na kakailanganin pang kumuha ng travel authority ng mga taong kabilang sa Authorized Person Outside Residence (APOR) habang pwede namang magbiyahe ang mga ito sa loob ng lalawigan na walang travel permit.

Kinokonsidera din ang family and medical emergency at humanitarian reason lalo na para sa mga locally stranded individuals at hindi na kinakailangan pa ng koordinasyon sa LGU kung sa bisinidad lang naman ng isang siyudad o bayan.

Nilinaw naman ni PLTCol. Iringan na kinakailangan ang travel authority kung pupunta sa ibang probinsya o rehiyon lalo pa’t kung walang kinalaman sa non-essentials.

Sinabi pa ng opisyal na maari ng magtungo sa mga istasyon ng pulisya ang mga kukuha ng travel authority at hindi na magtungo pa sa mga PNP regional office at maiwasan ang mga indibidwal na magtutungo.

Facebook Comments