Sinupalpal ni Pasig City Vice Mayor Christian “Iyo” Caruncho-Bernardo ang ginawang pagkuha ni Mayor Vico Sotto ng mga tauhan na hindi mga residente ng lungsod na kaniyang itinalaga bilang pinuno sa iba’t ibang departamento sa Pasig City Hall.
Ayon kay Caruncho-Bernardo, bakit umanong nagtalaga ang alkalde ng mga pinuno ng iba’t ibang departamento na hindi naman residente ng Pasig kung saan nakakalungkot aniyang isipin na magtalaga o mag-hire ng mga department head na hindi taga-Pasig City.
Sa kanyang ipinalabas na video, inihayag ng bise-alkalde na wala ba umanong tiwala ang alkalde sa kakayahan ng mga residente ng Pasig City kung saan karamihan na kaniyang itinalaga ay galing pa umano sa Quezon City at San Juan City na dapat sagutin ni Sotto ang kaniyang mga katanungan.
Matatandaan na pinuna rin ni Sotto ang hindi umano pakikipag-ugnayan ni Caruncho-Bernardo sa mga programa, agenda at polisiya ng Local Government Unit.
Una nang umapela ang alkalde kay Caruncho-Bernardo na isantabi muna ang politika at magtulungan sila para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan.