Deadline sa renewal ng business permit sa Marikina City, pinalawig

58

Nilagdaan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang ordinansa na nagpapalawig sa deadline ng renewal ng business permit.

Mula January 20 ngayong taon ay pinalawig pa hanggang February 28 ang deadline sa renewal ng business permit sa lungsod.

Ang magbabayad hanggang sa Februrary 28 ay hindi papatawan ng anumang penalty o dagdag na bayarin.


Layunin ng hakbang ni Mayor Teodoro na matulungan at mabigyan ng kaluwagan o sapat na panahon ang mga negosyante.

Ito ay sa gitna ng muling paglobo ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments