Pagkuha sa mga sikat na players sa Customs, bad management ayon sa isang kongresista

Tinawag na “bad management” ni PBA PL Rep. Jericho Nograles ang ginawang pagha-hire ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa mga sikat na basketball players at volleyball players.

Ayon kay Nograles, hindi mabubura ng hindi magandang imahe ng Bureau of Customs ang pagkuha ng mga kilalang basketball at volleyball players.

Maging ang pagpapasweldo sa mga ito ng 50,000 kada buwan ay hindi rin sinang-ayunan ng kongresista na lalo lamang nagpapa-pangit sa imahe ng ahensya dahil may ibang mga empleyado ng gobyerno ang mas deserved ang ganitong pasweldo.


Payo ni Nograles, ang dapat na gawin nI Faeldon para mapaganda ang imahe ng Customs ay makuha ang target na collection quota at mas higpitan ang inspeksyon sa pagpasok ng mga containers na maaaring naglalaman ng kontrabando.

Hindi rin pinayuhan ng mabuti si Faeldon ng mga nakapaligid dito dahil ang pagkuha sa mga players bilang empleyado ay labag sa best practices ng good governance.

Naniniwala naman si Nograles sa malinis na intensyon ng Commissioner pero dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman ni Faeldon sa pamamalakad sa napakalawak na ahensya at sa hindi tamang pag-a-advise dito ay nasasamantala ito ng mga nakapaligid sa BOC para gumawa ng iligal.

Facebook Comments