Manila, Philippines – Isinisi ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa kawalan ng suplay ng galunggong at murang bigas ang dahilan ng pagbagsak na lamang sa 200 pesos ng kayang mabili ng arawang sahod ng mga manggagawa.
Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, kabilang sa tinamaan ng pagbagsak ng buying power ng minimum wage ay ang mga walang trabaho, ang mga naghahanapbuhay sa informal economy tulad ng public transport drivers, vendors at sales clerk
Pero, hindi inaalis ng grupo na malaki rin ang epekto ng pagsasamantala ng mga negosyante sa walang puknat na pagmahal ng basic commodities.
Dahil dito, muling iginiit sa gobyerno ng ALU-TUCP na ipatupad na ang safety net program para maibsan ang epekto ng inflation sa mahihirap na manggagawa.
Umapela din ang grupo sa mga employers na magkaloob na ng non-cash benefits tulad ng rice at grocery subsidy sa kanilang mga manggagawa para makaramdam ng kaunting ginhawa ang mga ito.