Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na magkakaroon ng 79-day na shortage ng suplay ng gulay.
Ayon sa DA, ang projected local vegetable production ngayong 2021 ay aabot sa 1.691 Million Metric Tons (MMT) habang ang imports ay nasa 20,000 Metric Tons (MT).
Ito ay pinagsamang 1.711 MMT ng total vegetable supply para sa buong bansa.
Habang ang total vegetable demand para sa 2021 ay 2 MMT.
Nangangahulugan na may kakulangan na 434,840 metric tons sa suplay.
Sa layuning mauwi ito sa ibayong pagsipa sa presyo ng gulay, iniutos ni Agriculture Secretary William Dar ang pagpaparami ng Kadiwa Program upang makapaghatid ng suplay ang mga vegetable producing regions sa Metro Manila at ilang parte ng Luzon.
Facebook Comments