PAGKUKUNAN NG MALINIS NA TUBIG, INILUNSAD SA BAYAN NG AURORA

Cauayan City – Pinasinayaan ang bagong water facility project na itinayo sa Brgy. Divisoria, Aurora, Isabela.

Ang proyektong ito ay programa ng Rotary Club of Cauayan na naglalayong makapaghatid ng malinis at ligtas na tubig para sa mga mag-aaral ng Divisoria Elementary School at sa mga residente ng nabanggit na barangay.

Ang itinayong water facility ay isang deepwell na mayroong submersible pump, washing station, at water tank kung saan, umabot sa 40 meters ang lalim ng lupa na hinukay bago tuluyang naabot ang water reserve na nagsusuplay ng malinis at ligtas na tubig.


Ang nabanggit na proyekto ay ang siyang pinakamalaking water project na naitayo ng Rotary Club of Cauayan ngayong taon.

Ngayong may malinis ng water source ang mga residente, hindi na nila kinakailangan pang magtungo sa town proper upang makakuha lamang ng malinis na tubig na maaring inumin.

Samantala, dinaluhan ng mga miyembro ng Rotary Club of Cauayan, at ni Municipal Mayor Joseph Christian “Niño” Uy kasama ang iba pang opisyales ang inagurasyon ng water facility.

Facebook Comments