
CAUAYAN CITY – Target ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 ang magandang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng Crop Diversification program.
Pahayag ni Dr. Robert Busania, Regional Technical Director for Operation and Extension ng DA, bukod sa mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka, isinusulong din umano ng kanilang ahensya ang multi- cropping at crop rotation o pagpapalit- palit ng tanim.
Dagdag pa nito na ilang bayan sa Isabela ang nagsasagawa ng naturang gawain katulad ng rice:munggo production sa San Mateo, Ramon, Santiago, San Manuel at Alicia.
Maaari rin umanong pagpalit-palitin ang rice:onion production o kung anumang pananim na mayroon sa lugar.
Ang naturang programa ay bilang solusyon upang mapababa ang bilang ng mga magsasakang nasa below National Poverty threshold kung saan umabot na sa 30% ayon sa datos ng Philippines Statistics Authority (PSA).