Pagkumpiska sa mga kopya ng Pinoy Weekly magazines at pag-aresto sa KADAMAY leader sa Pandi, Bulacan, kinondena ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura

Kinondena ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura ang pagkaka-aresto ng Bulacan Provincial Police sa urban poor leader ng KADAMAY sa Pandi na si Rosa Fortaleza.

Nakumpiska sa bahay ni Fortalez ang sangkatutak na kopya ng Pinoy Weekly, isang alternative media outfit na naglalaman umano ng mga lathalaing kontra gobyerno.

Ayon kay UMA Chairperson, Antonio Flores, isa na naman itong chilling effect upang takutin ang publiko na makiisa sa mga rally kasabay ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte ngayong Lunes.


Sa ngayon ay pumoporma na ang mga grupo ng mga magsasaka para makipagsanib puwersa sa iba pang grupo na gustong iprotesta ang umano’y kapalpakan ng administrasyong Duterte.

Aniya, walang nakamit na kaginhawahan ang agri-workers sa panahon ni Duterte dahil nagbibingi-bingihan ito sa inihihirit nilang ₱750 National Minimum Wage.

Facebook Comments