Pagkumpleto ng mga water supply project sa bansa, pinamamadali ni PBBM sa gitna ng banta ng kakulangan sa tubig

Pinakukumpleto na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng water projects sa buong bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi na maituturing na napapanahong hamon lamang ang kakulangan sa tubig kung kaya’t importanteng matugunan ang ‘water security’.

Dagdag pa ng pangulo, na nakakakabit na kasi ang usapin ng climate change sa usapin ng suplay ng tubig kung kaya’t isa na itong pang matagalang hamon.


Maliban dito ay nandiyan din ang banta ng El Niño na nakakaapekto sa kalidad ng pamumuhay at economic activity.

Kaya direktiba ng pangulo sa mga kinauukulang ahensya, bilisan ang iba’t ibang water supply projects sa bansa sa harap ng nakaambang na banta sa suplay ng tubig.

Facebook Comments