Isa pang convicted American pedophile, naharang sa NAIA

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA 1 ang isa na namang Amerikanong pedopilya.

Galing ng Los Angeles, California ang 56-year-old na Amerikanong si Nathan Lee Woodward nang harangin ito sa airport.

Ito ay matapos na lumabas sa border control information system ng BI na positibo sa derogatory hit si Woodward.


Base sa records, na-convict sa Nevada noong 1990 si Woodware dahil sa kasong lewd and lascivious acts sa 14-year-old na bata.

Facebook Comments