
Inaprubahan ng Economy and Development Council (ECD) ang pagpapalawig sa pagkumpleto ng pitong natitirang pumping station sa Metro Manila, hanggang May 31, 2027.
Saklaw ng palugit ang konstruksyon, pagsusuri at turnover ng mga pasilidad sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 na ipinatutupad ng DPWH at MMDA.
Inaasahang mapabibilis ng mga ito ang pag-alis ng tubig-baha sa mga lugar na madalas bahain.
Matatandaang ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Tripa de Gallina Pumping Station sa Pasay City at binigyang-diin ang problema sa basurang bumabara sa mga estero.
Nanawagan ang Pangulo ng tamang pagtatapon ng basura upang hindi maapektuhan ang operasyon ng mga pumping station.
Facebook Comments










