
Iniatras na ng depensa ang 16 na testigo nito sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Labinlima sa mga testigo ay kinatawan ng pitong bangko na pinahaharap sana mula Nov11 hanggang 13 habang ang isa ay barangay kapitan ng Davao City.
Nasa 24 ang orihinal na hiniling ng depensa na i-subpoena ng impeachment court at apat sa mga ito ang humarap na kinabibilang ni Atty. Suzette Balucanag-Punay ang corporate counsel ng GenCorp Industries Incorporated at Metro City Chow Foods Corporation.
Apat na lamang din ang natitirang testigo ng depensa para sa Article 2 o ang hindi maipaliwanag na yaman at hindi tamang pagdedeklara ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni VP Duterte.
Inaasahan na kasama sa haharap ang isang opisyal ng Bank of the Philippine Islands (BPI) kung saan naging malaking kontrobersiya ang manager’s check na sinasabing pinagtaguan pansamantala ng pera.
Sinabi naman ni Atty. Michael Poa na ayaw nilang sayangin ang oras ng impeachment court at para mapabilis na rin ang paglilitis.
Plano pa rin ng depensa na magdagdag ng mga testigo sa susunod na linggo.










