Pagkumpuni sa suplay ng kuryente sa Albay na sinira ng mga nagdaang bagyo, patapos na

Inihayag ng National Electrification Administration (NEA) na nasa 98 porsiyento nang naibalik ang suplay ng kuryente sa lalawigan ng Albay na sinira ng mga nagdaang bagyo noong nakalipas na taon.

Ayon sa ulat ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department hanggang January 21, nasa 170,560 ng kabuuang 197,878 affected households ang nagkaroon na ng suplay ng kuryente.

Paliwanag ng NEA na tuloy-tuloy pa ang restoration activities sa lalawigan pero may 24,563 kabahayan ang hindi pa makabitan ng kuryente.


Samantala, nasa 77.94 porsiyento ng suplay ng kuryente o 31,591 households ang naibalik na sa lalawigan ng Catanduanes.

Ang Albay at Catanduanes ayon sa NEA ay ang mga lugar sa Bicol Region ang grabeng sinalanta ng Super Typhoon Rolly, Bagyong Ulysses at Quinta noong nakalipas na taon.

Facebook Comments