Inanunsyo na ng DOTr na magiging ganap nang operational ang mga flights sa Surigao Airport patungo at pabalik ng Maynila bago matapos ang taon.
Natapos na kasi ang rehabilitasyon ng runway na lubhang napinsala ng magnitude 6.7 earthquake noong 2017 na nagresulta para limitahan ang operasyon nito.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Procurement and Project Implementation Giovanni Lopez, naibalik na ang 340 meters na haba ng runway para sa 1,400 meters mula sa dating 1,000 meters.
Bukod sa direct flights sa Manila magkakaroon na rin ng flights mula sa Surigao patungong Cebu ng hindi na lilimitahan ang bilang ng mga pasaherong sasakay.
Kasunod ng pagkakumpleto ng 1,400-meter runway, pagtutuunan naman ng mga kontratista na gawin ang runway sa pagiging full operational capability nito na 1,800 meters sa unang quarter ng 2020.
Naniniwala naman si DOTr Secretary Arthur Tugade na malaki ang maitutulong ng panumbalik ng flights sa Metro Manila sa pangkalahatang Economic Development sa Surigao Del Norte.