Pagkundena sa mga Napaslang na Mamamahayag, Isinigaw ng NUJP!

Cauayan City, Isabela- Kinondena ng mga iba’t-ibang mamamahayag na miyembro ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP ang pagkakapaslang sa mga media dito bansa.

Batay sa impormasyon na kinalap ng RMN Cauayan sa isinasagawang 10th National Congress ng NUJP sa Brgy. Laging Handa, Quezon City, layunin nito na pagbukludin ang mga mamamahayag upang isigaw ang kanilang mga hinaing hinggil sa pagpatay at panghaharas sa mga media sa kapuluan.

Ayon kay ginoong Virgilio Maganes, isa sa mga mamamahayag sa lalawigan ng Pangasinan, aniya maganda umano ang nasabing pagtitipon upang magkaisa ang mga mamamahayag sa pagkondena sa mga nalalagas na media.


Iginiit rin ni ginoong Virgil na kailangan umanong irespeto ang pangulo at hindi na umano kailangang tawaging satanas bagkus ay tignan na lamang umano ang mga kabuuang nagawa ng pangulo.

Samantala, inihayag rin ni ginoong Nonoy Espina, isa sa mga board of director ng NUJP chapter na hindi lamang umano ang mga mamamahayag ang lugi kung mayroong nalalagas na mga miyembro ng media dahil pati na rin umano ang mga taumbayan na sinisilbihan ng mga mamamahayag.

Kaugnay nito ay tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang pagpupulong kung saan magtatapos ito nitong ika-sampu ng buwan ng Hunyo taong kasalukuyan.

Facebook Comments