Paglabag ng China sa safety of life at sea, malinaw na sinadya ang pagbangga sa mga Pilipinong mangingisda – Rep. Biazon

Naniniwala si House Committee on National Defense and Security Vice Chairman Ruffy Biazon na sinadya ng China ang pagbangga sa mga mangingisdang Pilipino sa Reed o Recto bank sa West Philippine Sea.

 

Taliwas ito sa mga naging pahayag ni Energy Sec. Alfonso Cusi na hindi sadya ang pagbangga ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Pinoy sa Reed Bank.

 

Ayon kay Biazon, nakasaad sa International Convention on Safety of Life at Sea o SOLAS na obligado ang mga kapitan ng sasakyang pandagat na tulungan ang mga distressed vessels o bangka.


 

Pero sa kaso ng Chinese vessel sa Recto Bank, ito mismo ang nagdulot ng distress sa naka-angklang bangka ng 22 mangingisdang Pinoy at ang masaklap ay inabandona pa sila.

 

Ang paglabag sa SOLAS ay malinaw na umanong basehan para masabing sinadya talaga ang pagbangga ng vessel sa bangka.

 

Inihalintulad pa ng kongresista sa motoristang naka-hit and run sa kalsada ang palusot ng Chinese government na natakot na makuyog ng mga nakapaligid sa kanila.

Facebook Comments