Panibagong oposisyon laban sa substitution bid ni Cardema, inihain sa Comelec

Panibagong petisyon ang inihain sa Commission on Elections o Comelec laban sa substitution ni Ronald Cardema bilang nominee ng Duterte Youth Partylist.

 

Kabilang sa petitioners ay ang Millenials PH, kasama sina dating Comelec chairman Sixto Brillantes, Atty. Romulo Macalintal at Atty. Emilio Maranon.

 

Ikinatwiran ng grupo sa kanilang petisyon ang anilay material misrepresentation” sa eligibility at kwalipikasyon ni Cardema kaya dapat kanselahin ang pagiging 1st Nominee nito sa partylist.


 

Pinasususpinde rin nila ang proklamasyon kay Cardema, at i-withhold ang certificate of proclamation nito.

 

Una na ring inihain sa Comelec ang ilan lang petisyon na humaharang sa substitution bid ng dating National Youth Commission Chairman.

Facebook Comments