Paglabag sa Anti-Terror Law, nagaganap sa loob ng UP ayon kay General Parlade

Iginiit ni Southern Luzon Command Chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr., na may nagaganap na paglabag sa Anti-Terror Law sa loob mismo ng University of the Philippines (UP).

Sa interview ng RMN Manila kay Parlade na tagapagsalita rin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC), maraming aktibidad sa loob ng unibersidad na tinutulungan ng underground government.

Ilang halimbawa dito ang anibersaryo ng New People’s Army (NPA) kung saan naghahanda ng mga propaganda para pabagsakin ang gobyerno.


Sa ngayon, tiniyak ni Parlade na hindi dapat ikabahala ng mga mag-aaral, faculty at buong komunidad ng UP ang pagpapawalang-bisa sa kasunduan ng unibersidad at Department of National Defense (DND).

Wala pang sagot ang pamunuan ng UP sa naging pahayag ni Parlade.

Facebook Comments