Paglaban sa COVID-19, gagawing multi-sectoral efforts sa Quezon City

Inilunsad sa Quezon City ang isang multi-sectoral efforts upang labanan ang banta ng COVID-19 sa lungsod.

Tatawagin itong alyansang Kilusang Kontra COVID (KilKoVid) kung saan tutulong ang private sector sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan kontra sa COVID-19.

Ilan sa mga gagawin ng nasabing grupo ay ang pagbibigay ng kanilang resources upang tulungan ang mga naapektuhan na manggagawa dahil sa pandemya.


Kabilang sa alliance partners ng KilKoVid ay ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas – Quezon City Chapter, Rotary International District 3780, UP Women Lawyer’s Circle Inc., Philippine Academy of Family Physicians-National, Philippine Academy of Family Physicians-Quezon City Chapter, Philippine College of Physicians-Quezon City Chapter, Urban Green Communes at Celebrity Sports Club Inc.

Ang alyansang ito ay bunga na rin ng pakikipagtulungan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry-Quezon City Chapter, Quezon City Planning and Development Office at Association of Barangay Captains bilang mga guest partners.

Facebook Comments