Pondo para sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP), pinadadagdagan ng P10 billion

33

Umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa Kamara na dagdagan ang pondo para sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP).

Matatandaang nasuspinde noong Lunes ang pagdinig sa budget ng DOH matapos na hindi masagot ng DOH kung paano ginugugol ang pondo sa ilalim ng HFEP sa kabila ng taunang alokasyon para dito.

Pero ayon kay Duque, nagsumite sila ng P45 Billion na proposal para sa HFEP sa ilalim ng National Expenditure Program o (NEP).

Magkagayunman, nasa P4.7 Billion para sa equipment at medical transport at P5.5 Billion lamang ang inaprubahang alokasyon ng Budget Department para sa programa kaugnay sa pagtatayo ng mga health facilities sa mga lalawigan.

Nababahala si Duque na ang naturang tapyas sa budget sa ilalim ng HFEP ay makakaapekto sa COVID-19 response at sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law sa maraming lugar sa bansa.

Dahil dito, hiniling ng kalihim sa mga kongresista na dagdagan ng P10 Billion ang pondo sa HFEP para sa susunod na taon.

Facebook Comments