Sa naging paggunita sa World Health Day, ipinahayag ng Commission on Human Rights na hindi dapat malimita sa paghuhugas ng kamay ang responsibilidad ng bawat mamamayan.
Sinabi ni Atty. Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng CHR, makakatulong ang publiko kung mananawagan din ng transparency at mahusay na Public Healthcare Services.
Ipinagtanggol ni de Guia ang mga nag-iingay sa social media para sa accountability sa paggamit ng pondo para sa mga hakbang laban sa COVID-19.
Gayunman, mabilis din dumipensa sa social media ang mga naniniwala na kuntento sila sa polisiya at ginagawa ng Pangulo partikular ang pagpapalabas ng malaking pondo para ayudahan ang mga mahihirap.
Facebook Comments