Paglaban sa Iligal na pangingisda, tinalakay sa ASEAN Ministerial Meeting

Manila, Philippines – Illegal, Unreported at Unregulated (IUU) fishing at regional connectivity.

Yan ang dalawang paksa na pinag-usapan sa isinagawang 15th Southwest Pacific Dialogue Ministerial Meeting sa Philippine International Convention Center o PICC ngayong araw.

Ang nasabing pagpupulong ay bahagi ng 50th ASEAN Foreign Ministers Meeting & Related Meetings na sinimulan kahapon at magtatapos bukas.


Sa pagpupulong, sinabi ni Australian Foreign Minister Julie Bishop na mahalaga na ipagpatuloy ang pagpapatupad sa umiiral na international fisheries agreement at isara ang mga butas sa mga batas na may kaugnayan sa IUU fishing.

Dahil sa IUU, nananakawan ng dalawampu’t anim (26) na bilyong tonelada ng mga yamang-dagat taon-taon ang buong mundo, o pagkalugi ng tinatayang 23-billion US dollars.

Ayon pa kay Bishop, kailangang magpatupad ng port measures upang mapigilang makapasok ang mga sasakyang-pandagat na may dalang iligal na huli.

Ang Southwest Pacific Dialogue ay itinatag taong 2002 bilang forum sa mga bansa na nag-u-ugnay sa Southeast Asia and Pacific regions, tulad ng Pilipinas, Australia, Indonesia, Papua New Guinea, New Zealand at Timor-Leste upang pagu-usapan ang iba’t ibang isyu at areas of cooperation.

Facebook Comments