Sumentro sa usapin sa climate change ang talumpati ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginaganap na 2022 DENR Multi-stakeholder Forum.
Ayon sa pangulo, ikinokonsidera niyang global crisis ang epekto ng climate change.
Kaya kailangan aniyang magkaisa ang bawat Pilipino sa bansa na matutukan ang mga hakbang para ma-mitigate at ma-adapt ang epekto ng climate change sa bansa.
Naniniwala ang pangulo na lahat makakaya kung magtutulungan para pangalagaan ang kalikasan.
Nakikita raw ng pangulo na kikilos ang mga pribadong sektor, non-government organization (NGO) at academe para maging partner sa paglaban sa epekto ng climate change.
Mahalaga ayon sa pangulo na sabay-sabay itong matalakay para matukoy ang pagprotekta at pag-conserve ng kalikasan.
Umaasa naman ang pangulo na magiging produktibo ang ginagawang forum na ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para mas maipagpatuloy ang kanilang commitment sa lipunan.