Senator Robin Padilla, nagnegatibo sa isinagawang drug test ng PDEA

56

Kinumpirma ngayon ni PDEA PIP Chief Director Derrick Carreon na negatibo sa drug test si Senator Robinhood matapos na magpasailalim sa drug test sa tangapan ng PDEA Laboratory Service.

Ayon kay Carreon, ang ginawang pagsasailalim ng drug test ng senador ay bahagi ng panawagan ni Padilla na gawing boluntaryo sa halip na mandatory ang drug-testing sa mga artista.

Matatandaan na iminungkahi ng isang mambabatas na dapat boluntaryong sumailalim sa mga drug test ang mga artista makaraang maaresto ang isang artista na si Dominic Roco sa Quezon City.


Si Padilla ay sinamahan ni Director General Wilkins Villanueva.

Facebook Comments