Paglabas ng DBM ng halos P40 bilyong pisong pondo mula sa Malampaya natural gas project, pinaiimbestigahan

Manila, Philippines – Inirekomenda ng Commission on Audit (COA) na imbestigahan ang pagpapalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng P38.8 bilyon pondo mula sa Malampaya Natural Gas project mula 2002 hanggang 2012.

Batay sa 80 pahinang sectoral performance audit report ng COA, mahigit P173 bilyon ang ibinayad ng Malampaya sa gobyerno.

Ayon sa COA, hindi ginamit ang naturang pondo para sa pagpapaunlad ng energy resources at sa mga proyekto ng natural gas.


Pinasisiyasat rin ng COA kung sino-sino ang mga opisyal na responsable sa paglalabas ng naturang pondo.

Gayunman, hindi pinangalanan ng COA kung sino ang mga iimbestigahan.

Sakop ng nasabing audit report, ang anim na taon sa ilalim ng administrasyong Arroyo at ang unang dalawang taon sa termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments