Hindi nagustuhan ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa ang paglabas ng media sa pangalan ni Police Lieutenant Colonel Jovie Espebido bilang kasama sa 357 na pulis na nasa narcolist.
Itinatampo kasi ng hepe ng pambansang pulisya ang paglabas sa media ng pangalan ni Espenido na kasama sa listahan.
Ayon kay Gamboa, nainsulto siya sa nangyari dahil nakiusap umano ito sa media na huwag ilahad sa publiko kung sinu-sino ang nasa listahan dahil kailangan pa itong i-validate.
Sa isang news conference sa National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Lunes ng umaga, tumanggi siyang magbigay ng pahayag sa totoong dahilan ng pagtanggal sa puwesto kay Espenido bilang Deputy for Operation at Chief ng Anti-Drug Operations sa Bacolod City Philippine National Police (PNP).
Samantala, ayaw naman mag-komento ni Espenido sa isyu at ipinauubaya nya ito kay PNP chief.