Makakabuti sa mental health ng mga kabataan kung papayagan na silang makalabas ng kani-kanilang tahanan.
Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje kasunod ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makalabas ng bahay ang mga batang edad 10 hanggang 14 sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay Cabotaje, maging ang mga kabataan ay naiinip din sa kani-kanilang tahanan kaya naaapektuhan ang kanilang mental health maging ang kakayahang makapag-ehersisyo.
Pero aniya, mas importante pa ring obserbahan ang pagsunod sa minimum public health standards para maiwasan ang posibleng pagkahawa sa COVID-19.
Facebook Comments