Paglabas ng mga Tao sa Batanes dahil sa COVID-19 Case, Limitado na

Cauayan City, Isabela- Lilimitahan na simula bukas hanggang October 13 ang paglabas ng mga residente sa lalawigan ng Batanes makaraang makapagtala ng kauna-unahang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Ayon sa pahayag ng Batanes COVID-9 Task Group, isang miyembro bawat pamilya ang pimapayagan na lumbas para bumili ng mga basic necessities habang mananatili pa rin ang isang indibidwal na mahina ang resistensya at mga may dati ng karamdaman sa kalusugan upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.

Pansamantalang ipagbabawal ang lahat ng uri ng commercial flights maliban nalang sa emergency medical evacuation flights maging ang gagawing transportasyon ng swabs subalit kailangan pa rin ang koordinasyon sa task force.


Sa transportasyon, bawal na ang angkas sa motorsiklo habang sa tricycle ay tanging isa lang ang sakay nito, pagsakay sa motor boats patungong Itbayat at Sabtang ay papayagan sa paraan ng paghahatid ng mga kakailanganing bagay at paghahatid sa mga authorized personnel ngunit siguraduhin pa rin ang pagpepresenta ng mga dokumento gaya ng medical certificate, travel pass.

Suspendido naman ang lahat construction projects at activities at papayagan lamang ang mga business establishment na magnegosyo hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ipinababalik naman ang lahat ng checkpoints sa barangay 24/7 para sa tiyak na seguriidad.

Matatandaang nagpositibo sa virus ang isang 29-anyos na lalaki na isang Locally Stranded Individuals (LSI) ng umuwi ito sa probinsya sakay ng eroplano ng Philippine Airforce nitong September 22.

Facebook Comments