₱1.3-M na halaga ng shabu at marijuana, nakumpiska ng QCPD sa magkakahiwalay na buy-bust operation

Nakumpiska ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang abot sa ₱1.3 million na halaga ng shabu matapos na mahuli ang tatlong tulak ng droga sa magkakahiwalay na buy-bust.

Hinuli ng Kamuning Police Station (PS 10) sina Jerald Mariano alias “Utoy”, 29, at Kail Montacs, 19.

Itinuro ng isang confidential informant ang illegal drug peddling activities ni alias “Utoy” sa Novaliches.


Maliban sa buy-bust money, nakuha sa mga suspect ang 100 gramo ng shabu na may street value na ₱680,000.00 at cellular phone na gamit sa kanilang drug deal.

Sa hiwalay na buy-bust operation, hinuli rin ng PS 10 si Wendell Tamon, 19, sa buy bust na isinagawa sa H. Lopez Blvd. corner Rodriguez St., Brgy. 130, Manila City.

Nakumpiska sa kaniya ang 250 grams ng dried marijuana na may street value na ₱30,000.00, 100 grams ng shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000.00.

Facebook Comments