Binabantayan na ng Commission on Elections (Comelec) ang posibleng paglaganap ng fake news kasabay ng pag-arangkada ng Overseas Absentee Voting (OAV).
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – inaasahang dadami ang mga paninirang makakaapekto sa integridad ng election system.
Umapela ang poll body sa publiko na abisuhan sila kung may nakita o narinig na uri ng fake news upang maitama nila ito.
Ang OAV ay nagsimula nitong April 13 at magtatapos sa May 13.
Facebook Comments