Manila, Philippines – Pinangangambahan ngayon ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang pagdami ng paglabag sa karapatang pantao.
Ito ay makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang na sa mga teroristang grupo ang CPP-NPA.
Ayon kay Bayan Sec .Gen. Renato Reyes, inaasahan na nila ang pagtaas ng bilang ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga ordinaryong mamamayan at mga legal na aktibista.
Paliwanag ng grupo binigyan lamang ng lisensya ni Duterte ang AFP at PNP na tahasang labagin ang mga karapatang pantao ng mamamayan, sa ngalan ng paglaban sa diumano’y terorismo na kahit ang mga kritiko ng Duterte Administration ay nalalagay sa panganib.
Inihalintulad pa nito ang nangyaring pagpatay kay Fr. Marcelito “Tito” Paez ng Diocese ng San Jose na isang human rights workers
Kasunod nito magsasagawa ng pambansang pagkilos ang iba’t-ibang grupo sa ilalim ng Movement Against Tyranny sa Dec. 10, bilang paggunita ng International Human Rights Day at bilang pagpapahayag din ng pagtutol sa anumang atake at paglabag sa karapatan na gagawin ng rehimeng Duterte.