Benito, Soliven – Malaki ang maitutulong ng CCTV sa kapulisan lalo na sa mga poblasyon at sa mga lugar na may mga tambay sa bayan ng Benito Soliven.
Ito ang naging reaksyon ni Police Senior Inspector Joel Bumanglag, hepe ng Benito Soliven Police Station kaugnay sa mga nakawan at ilang krimen na nagaganap sa naturang bayan.
Aniya, lagi umano niyang pinapaalala sa mga may malalaking establisyemento na maglagay ng CCTV dahil sa mayroon naman umanong Municipal Ordinance hinggil dito.
Paliwanag pa ni Police Senior Inspector Bumanglag na malaking tulong ito sa dokumentasyon ng anumang pangyayari sa lansangan.
Samantala ang peace and order umano sa Benito Soliven ay hindi mareresolba kung walang pakikipagtulungan at suporta ng mga mamamayan sa kapulisan kung saan malaking tulong umano ito sa operasyon ng PNP sa anumang krimen.