Paglagay ng karagdagang bus station sa EDSA Bus Carousel, sinisilip na ng DOTr

Sinisilip na ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng karagdagang bus stations sa EDSA Carousel system.

Sinabi ni Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor, ilalagay nila ito sa mga heavy volume areas.

Layon din nila palawakin ang ilang existing stations tulad ng Guadalupe, Bagong Barrio at Monumento na siyang dinudumog ng mga commuters tuwing rush hour.


Maglalagay rin aniya sila ng mga lifters sa mga bus stops upang mas maging accessible ito sa mga senior citizens at persons with disability.

Patuloy naman ang paglalagay nila ng mga CCTV upang mamonitor ang daily operations ng EDSA Carousel at nakatakdang mag-install ng solar panels sa mga istasyon para sa mas environment-friendly na pagkukunan ng kuryente.

Samantala, nakatakdang magdagdag ng 100 bus units mula sa kasalukuyang 550 bus na bumabagtas sa EDSA carousel ngayong ber months.

At ayon kay Pastor, posible pa ito madagdagan sakaling kinakailangan.

Facebook Comments