Paglagay ng tollgate sa EDSA, pag-aralan mabuti ayon sa isang grupo

Nanawagan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection sa Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan muna ng mabuti ang paglalagay ng toll o bayad sa pagdaan sa EDSA.

Kung maaalala may panukala si DOTr Road Sector Consultant Asec. Bert Suansing na lagyan ng toll ang EDSA para mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko sa piling oras at upang makalikom na rin ng pondo mula rito.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, Presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, huwag ng pag-eksperimentuhan ang EDSA lalo pa’t ngayong may pandemya.


Naniniwala rin si Inton na mayroong pondo ang gobyerno basta’t nagagamit lamang ito ng tama.

Samantala, agad binatikos ng ilang motorista ang panukalang paniningil ng bayad sa EDSA lalo’t paulit-ulit silang napapadaan dito kada araw.

Facebook Comments